Pormal na binuksan ngayong araw ang ikalawang yugto ng Cope Thunder 2023 bilateral exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at U.S. Air Force sa Clark Air Base (CAB) sa Mabalacat City, Pampanga.
Ang seremonya ay pinangunahan ni PAF Air Defense Command Commander Major General Augustine S Malinit, kasama si BGEN SARAH H RUSS, Mobilization Assistant to the Director of Strategy, Plans, Programs, and Requirements of the Headquarters Pacific Air Forces.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si MGen. Malinit sa mga tropa sa matagumpay na pagdaraos ng unang yugto ng COPE Thunder bilateral exercise na isinagawa noong Mayo ng taong ito.
Sinabi ng Heneral na ang ikalawang yugto ng Cope Thunder ay magandang pagkakataon para lalong mapahusay ang interoperability ng mga pwersang panghimpapawid ng dalawang bansa.
Pagkatapos ng opening ceremony binisita ni Gen. Malinit ang Haribon Hangar sa CAB, kung saan naroon ang F-22 at A-10 aircraft ng US Air Force at FA-50 fighter ng PAF na gagamitin sa ehersisyo.| ulat ni Leo Sarne