Patas na employment, ligtas na migration, at iba pang hakbang na magsusulong sa kapakanan ng OFWs, tinalakay ni Pangulong Marcos, sa ikalawang SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang na ginagawa ng administrasyon para sa patuloy na pagsusulong ng kapakanan ng mga OFW, patas na employment, at makataong recruitment ng mga ito.

Kabilang na rin ang ligtas na migration ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, inihalimbawa nito ang naresolba nang deployment issue para ng OFW sa Saudi Arabia.

Sa kasalukuyan, nasa 70,000 na ng mga OFW ang naipadala na doon, para makapag-trabaho.

Ang unpaid salary naman aniya ng nasa 14, 000 na OFWs noong pandemiya, pinu-proseso na.

Binanggit rin ni Pangulong Marcos ang pagpapatuloy ng trabaho ng nasa 50,000 na manggagawa at maging ang deployment ng mga Pilipinong seafarer sakay ng EU vessels.

Ayon kay Pangulong Marcos, batid ng pamahalaan ang pangangailangan na magpatuloy ang pag-angat sa edukasyon at kakayahan ng mga manggagawang Pilipino, upang patuloy na makasabay ang bansa sa global standards. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us