Patuloy na pagbebenta ng ipinagbabawal na facial cream, ikinabahala na ng environmental group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinuligsa ng toxic watchdog na Ecowaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng isang mercury-containing facial cream mula sa China.

Ang nasabing beauty products ay sinasabing nagpapaputi at nagpapabata ng balat.

Hindi lang ito ibinebenta sa merkado, kung hindi maging sa mga online shopping site.

Noong Mayo 2018, tinukoy ng Food and Drug Administration ang S’Zitang facial cream bilang unauthorized cosmetic dahil hinaluan ng mercury.

Ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero may nabili pang dalawang variant ng S’Zitang ang kanilang grupo ng magsagawa ng test buy sa Sta. Cruz, Manila.

Maaaring magdulot ng malubhang problema sa kalusugan pati na sa mga hindi pa isinisilang na sanggol ang sino mang gumamit nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us