PAWS, sasampahan ng kaso ang security guard na naghagis ng tuta sa isang mall footbridge

Facebook
Twitter
LinkedIn

Desidido ang Philippine Animal Welfare Society o PAWS na sampahan ng kaso ang isang mall security guard na kuhang naghagis ng isang tuta sa isang footbridge.

Sa isang pahayag, sinabi ng PAWS na lubos nitong kinukondena ang isa namang kaso ng animal cruelty.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya ito sa mga witness para sa kanilang affidavits na makatutulong sa kanilang ihahaing reklamo.

Malinaw kasi aniya na paglabag ito sa Animal Welfare Act lalo pa at nasawi ang tutang inihagis ng sekyu.

Dagdag pa ng PAWS, nakatanggap ito ng higit sa 190 emails mula sa concerned citizens tungkol sa pangyayari.

“We are as outraged as you are and we are taking steps in filing this case with the help of a witness. We appeal to the public to refrain from flooding our email with forwarded posts on social media. Our inbox must be freed up to receive draft affidavits from witnesses and those who will help us file the case in Court.”

Hiling nito ang mabilis na paggulong ng imbestigasyon sa insidente at pagpapanagot sa may sala.

Una na ring tiniyak ng security agency na RJC Corporate Security Services Inc., na may hawak ng sekyu ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Dinismiss na rin ang gwardya sa SM North Edsa at pinatawan ng ban sa pagtatrabaho sa anumang SM Mall.

Maging ang Quezon City government ay kinondena na rin ang insidente at sinabing nagsasagawa na ng ‘full investigation’ sa kaso. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us