PCG, naka-heightened alert na bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula bukas, itataas na sa heightened alert ang status ng Philippine Coast Guard sa National Capital Region, Central Luzon, Northeastern Luzon, Northwestern Luzon, Southern Tagalog, at Bicol.

Ayon kay PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu, ito ay upang makatulong sa payapa at ligtas na SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sasabayan ng tatlong araw na transport strike.

Paghahanda rin ito sa posibleng banta ng Tropical Storm Egay sa mga nabanggit na rehiyon.

Katuwang ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, magpapakalat ang PCG ng mga security personnel, K9 units, at medical teams sa mga kritikal na lugar sa NCR kaugnay ng SONA.

Samantala, nakaalerto na rin ang mga deployable response groups (DRGs) sa mga probinsyang dadaanan ng TS Egay upang agarang makapagsagawa ng evacuation o rescue operation.

Patuloy din ang koordinasyon ng PCG, Philippine Ports Authority at Maritime Industry Authority para sa kaligtasan ng mga pasahero at sasakyang pandagat na nakatakdang bumiyahe sa mga susunod na araw.

Sa tulong ng PCG Auxiliary, nagsisimula na rin ang preparasyon ng family food packs at hygiene kits na ipapamahagi sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us