PDL na namatay at nakita sa loob ng septic tank ng New Bilibid Prison, pinaiimbsetigahan sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng resolusyon si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo para paimbestigahan ang sinapit ng isang person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison.

Sa ilalim ng House Bill 1136, inaatasan ang angkop na komite na magsagawa ng inquiry in aid of legislation, para silipin kung paanong namatay ang PDL na kinilala bilang si Michael Cataroja na nakapiit sa maximum-security compound na nakita sa loob ng septic tank.

Ani Tulfo, batay sa kaniyang source, unang linggo pa ng Hunyo nawawala si Cataroja ngunit batay sa pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor) ay nito lamang Hunyo 15 nawala ang PDL.

Kahapon nang makita ang katawan ni Cataroja sa septic tank, kung saan ilang labi pa ang nadiksubre.

“Noong July 15, sabi ni NBP OIC Col. Angelina Bautista, nawawala raw ito. But according to my source, first week pa ng June siya [Cataroja] nawawala. Pero sabi nila [NBP] statement and they reported to DOJ that June 15 lang nawala ang PDL na ito…yesterday nakita na nila na nasa loob ng septic tank. And then marami pa raw umano ang bangkay sa loob ng septic tank kasi raw allegedly, noong panahaon ni Gen. Bantag, marami raw pinatay at napatay at doon na lang tinatapon.” – Rep. Tulfo

Maliban dito nais rin ipasiyasat ng mambabatas ang napaulat na pagkakaroon ng matataas na kalibre ng armas ng mga inmate at pagpapatuloy ng operasyon ng mga kubol.

Matapos kasi madiksubre ang katawan ni Cataroja ay nagkaroon ng barilan sa pagitan ng dalawang grupo kinagabihan.

Bukod dito, ibinunyag din mismo ng kaniyang source na nakaka-order pa umano ng pagkain at mga produkto online.

Nang ibalik din aniya ang conjugal visit ay may ilan na inaabot pa ng hanggang isang linggo ang pagbisita. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us