Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang French government sa inisyatibo nitong magbukas ng direct flight mula Maynila patungong Paris at ang plano nitong patatagin ang scholarship programs para sa mga Pilipinong mag-aaral.
Sa farewell call ni outgoing French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz, sinabi nito na ang kanilang pamahalaan, mahigpit na ang ginagawang pagsusulong ng student exchange o scholarship program, upang mahikayat ang mas marami pang Pilipino na mag-aral sa Paris, lalo’t tiwala ito na marami ang mga Pilipinong gifted.
Ang France ang nagsisilbing ika-18 trading partner ng Pilipinas, kung saan pumalo na sa 1.8 billion US dollars ang total trade ng dalawang bansa, nito lamang 2022.
Ayon naman kay Pangulong Marcos Jr., dahil sa inisyatibong ito, positibo siyang sa susunod na dalawang taon, mayroon pang yayabong sa pagitan ng dalawang bansa.
“It is something new for our two countries to have these relationships now. I’m sure that there’s something that will grow rapidly within the next two years. Those are the things that I think we can merge. I think we can make a good start,” —Pangulong Marcos Jr.
Ginamit rin ng pangulo ang kaganapan, upang pasalamatan ang papel na ginampanan ng ambahador sa pagpapatatag ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Pransya. | ulat ni Racquel Bayan
📷: PCO