Philippine Nat’l Police Academy, nakapagtala ng record-breaking na bilang ng aplikante sa cadet admission test

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 37,020 indibidwal ang pumasa sa eligibility para makasama sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test (PNPACAT) ngayong taon.

Ayon kay PNPA Director Police Brigadier General Samuel Nacion, ang mga kwalipikadong aplikante ay mula sa mahigit 108,000 nagsumite ng aplikasyon mula January 1 hanggang July 15.

Sinabi ni Nacion na ito ang pinakamalaking bilang ng mga kwalipikadong aplikante sa kanilang kasaysayan, na mas mataas ng 16 na porsyento sa dating record noong 2022.

Isa aniya itong kahanga-hangang “achievement” sa kasaysayan ng akademya, na sumasalamin sa lumalaking bilang ng mga kabataan na nais magsilbi sa bayan.

Ang PNPACAT ay isasagawa sa 37 testing centers sa iba’t ibang panig ng bansa sa August 6. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us