Php 645 na halaga bawat kalendaryo na “giveaways” ng TIEZA, pinuna ng COA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ng Commission on Audit ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na magsanay ng “principles of economy.”

Ito’y matapos bumili ng mga kalendaryo ang TIEZA na nagkakahalaga ng Php 645 bawat isa bilang year-end corporate giveaways.

Sa audit report noong 2022, nabanggit ng mga state auditor na ang nanalong bidder ay nag-quote ng mas mababang presyo na Php230 bawat kalendaryo ngunit kalaunan ay nadiskuwalipika.

Ang kabuuang halaga para sa year-end giveaways ng TIEZA ay abot sa Php 974,000, para sa 750 piraso ng 2022 desk calendar at 500 piraso ng journal.

Hinimok ng audit team ang pamunuan ng TIEZA na isaalang-alang ang pagsasagawa ng pre-bid conference at laging kunin ang pinakamahuhusay na presyo para sa gobyerno.

Sinabi rin ng audit team sa TIEZA management na ihinto ang kanilang Program on Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE na may kabuuang Php22.215 milyon kaugnay ng pagkakamit ng ahensya ng International Organization for Standardization (ISO) certification.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us