Pilipinas at Jordan, tinalakay ang pagbuo ng MOU para sa agricultural cooperation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng courtesy call si Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos kay Jordan Minister of Agriculture, His Excellency Khaled Hnaifat upang pagtibayin pa ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Jordan.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ng dalawa ang pagbuo ng isang Memorandum of Understanding (MOU) pagdating sa Agricultural Cooperation ng dalawang bansa.

Layon ng nasabing MOU na patibayin ang commitment ng dalawang bansa na i-angat ang agricultural cooperation sa pamamagitan ng mga bagong market access at diversification ng mga agricultural products.

Binigyang diin din ng dalawang bansa ang potensyal na pagkakaroon ng enhanced collaboration pagdating sa agricultural trade.

Layon ng Pilipinas na palakasin ang pag-export ng mga de-kalidad na agricultural products nito sa Jordan, habang ang Jordan naman, ay naghahangad na ipakilala ang mga natatanging agricultural products nito sa Philippine market. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us