Pilipinas, Austria, muling lumagda ng MOU para sa pagkuha ng Filipino nurses

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling lumagda ang Pilipinas at Vienna, Austria ng bagong kasunduan sa ilalim ng isang framework na poprotekta sa karapatan ng mga Filipino nurses at magpapadali sa kanilang professional at social integration.

Lumagda sa nasabing kasunduan sina Philippine Ambassador to Austria Evangelina Lourdes Bernas bilang kumakatawan sa Pilipinas habang si Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan naman ang signatory witness sa nasabing kasunduan.

Nakapaloob sa nasabing kasunduan ang isang ethical, transparent, at sustainable recruitment framework na mamamahala sa entry, hiring, at integration ng mga Filipino healthcare professionals sa Vienna.

Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni Ambassador Bernas ang kahalagahan ng rights-and-values based approach sa deployment ng mga manggagawang Pilipino sa Vienna, kung saaan kapwa ang Pilipinas at Austria ay isinasaalang-alang ang dignidad, kagalingan, at kapakanan ng mga manggagawa.

Para naman kay Undersecretary Caunan, ang paglagda sa nasabing kasunduan ay makabuluhang hakbang sa pagpapatibay ng kolaborasyon sa pagbuo ng mga oportunidad para sa mga Filipino nurses habang tinutugunan ang healthcare needs ng Vienna.

Limampung taon na ang nakalipas mula nang unang dumating ang mga Filipino nurses sa Vienna sa pamamagitan ng isang bilateral agreement.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us