Pilipinas, dapat na ipagpatuloy ang paninindigan laban sa mga iligal na aktibidad ng China sa WPS, ayon sa isang eksperto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mainam kung ikukonsidera ng Marcos Administration ang pagdulog sa United Nations General Assembly (UNGA), ng walang tigil na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Pahayag ito ni Atty. Jay Batongbacal, isang Maritime Expert, kasabay na rin ng ikapitong anibersaryo ng The Hague ruling, na pabor sa Pilipinas, kaugnay sa claim ng China sa WPS.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng eksperto na maaaring ihain ng pamahalaan ang usaping ito sa UN, at tawagan ang pansin ng buong mundo sa mga ginagawa ng China.

Isa lamang aniya ito sa maraming hakbang na maaaring ipatupad ng Pilipinas.

“Pero dapat we remain vigilant at iyon nga we should continue itong ating posture na naninindigan tayo para nga tuluyan na siyang mag-back off.” —Atty. Batongbacal.

Aniya, mahabang proseso ito, dahil isa itong hakbang upang makalikha ng international pressure at international public opinion.

Dahil dito, nangangailangan aniya ito ng tiyaga at pasensya, ngunit angkop na tugon naman ito, laban sa mga ginagawa ng China ss WPS.

“Basta’t tuluy-tuloy na nakikita niya na talagang hindi siya makausad, na mas maganda sa kaniya na sumunod na lang sa batas imbes na lumabag dito lagi. So, kaya mahalaga na iyong ating posisyon dito sa West Philippine Sea at iyong pulong ng international community, dapat consistent iyan at tuluy-tuloy dahil pangmatagalang ito, hindi sa puwersa kung hindi talaga sa paninindigan.” —Atty. Batongbacal.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us