Muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang alyansa nito sa pamamagitan ng maritime policy at operational cooperation sa isinagawang 2nd Philippines-United States Dialogue sa Washington DC.
Sa nasabing dayalogo, parehong binigyang-diin ng Pilipinas at US ang commitment nito na panatilihin ang rules-based international order sa West Philippine Sea at South China Sea, alinsunod sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award.
Tinalakay din ng dalawang delegasyon ang malawak na saklaw ng Philippine-U.S. bilateral maritime cooperation engagements and proposals, kabilang ang mga hakbang upang mapahusay ang paglaban sa mga transnational crimes sa dagat, pagtugon sa ipinagbabawal, unreported, at unregulated fishing, at pagprotekta at pag-iingat sa marine environment.
Kasama sa Dialogue ang isang Track 1.5 session na tumatalakay sa mga ibinahaging hamon sa South China Sea, kabilang ang mga prospect para sa trilateral maritime cooperation sa pagitan ng Pilipinas, U.S. at Japan.
Ang ikalawang serye ng Maritime Dialogue ay kasunod ng serye ng high-level talks sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kabilang ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos noong nakaraang Mayo. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📸: Washington DC PE