Pilipinas, hindi garahe ng US — Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat nirerespeto ng Estados Unidos ang mga proseso ng Pilipinas kaugnay ng pagdaan o pagpasok sa bansa ng kanilang mga military aircraft.

Binigyang diin ni Gatchalian na hindi tayo garahe ng US at hindi sila maaaring basta lang maglabas pasok sa bansa ng walang tamang proseso

Batid aniya ng senador na may ongoing tayong military exercises kasama ang US pero may mga regulasyon na dapat sundin, lalo na pagdating sa mga military aircraft, dahil may sensitivity ang isyung ito.

Pinunto ng mambabatas na kahit saan man, mapasibilyan o military aircraft, bago lumipad ang isang eroplano ay ipinaaalam muna kung saan ang destinasyon nito, anong oras lalapag at kung saan magpa-park.

Taliwas aniya sa ginawa ng mga napaulat na military aircraft na walang naging koordinasyon sa ating bansa.

Sinang-ayunan rin ni Gatchalian ang naging pahayag ni Senador Imee Marcos na dapat kung gaano tayo kaalerto sa mga barko ng China ay dapat maging mapagbantay din ang gobyerno sa ibang mga foreign air assets na pumapasok sa ating bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us