Pilipinas, hinimok ang mga kasapi ng Non-Aligned Movement na magkaisa na tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mundo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihimok ng Pilipinas ang mga bansang kasapi ng Non-Aligned Movement na magkaisa at tugunan ang mga mahahalagang hamon na kinakaharap ng mundo at regional developments sa katatapos lang na Non-Aligned Movement Ministerial Meeting na ginanap sa bansang Azerbaijan.

Binigyang-diin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta na hindi dapat hati ang Non-Aligned Movement sa pamamagitan ng external powers at dapat manatiling tapat sa prinsipyo nito tulad ng: self-determinaton, non-interference, sovereign equality and independence, at true non-alignment.

Hinimok ng Pilipinas ang NAM na itaguyod ang interes ng mga developing countries sa mga pangunahing isyu tulad ng climate change, pag-access at responsableng paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng AI, at pagtagumpayan ang inequality, underdevelopment, at racism.

Binanggit rin ni Sorreta na ang Non-Aligned Movement ang siyang dapat nangunguna sa pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad at mapayapang paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan. Humiling rin ito na suportahan ang kandidatura ng Pilipinas para sa non-permanent seat nito sa UN Security Council para sa taong 2027-2028.

Ang Non-Aligned Movement ang pinakamalaking political grouping sa United Nations na binubuo ng 120 developing countries. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us