Itinuturing ng United Nations bilang “model country” ang Pilipinas pagdating sa humanitarian aid dahil sa katatagan ng bansa sa gitna ng malimit na natural na kalamidad.
Ito ang sinabi ni United Nations Resident Coordinator (UNRC) in the Philippines Gustavo Gonzalez sa kanyang pakikipagpulong kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa Camp Aguinaldo.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, napagkasunduan na patuloy na palakasin ang pangmatagalang “partnership” ng Pilipinas at UN, sa pagtugon sa mga “humanitarian issue”.
Nagpahayag ng kasiyahan si Gonzales sa kooperasyon ng Pilipinas at UN sa larangan ng disaster risk reduction and management, at pinuri ang mahusay na sistema ng Pilipinas sa “disaster preparedness, response and recovery”.
Sinabi naman ni Teodoro na layon niyang mas palakasin ang National Disaster Risk Reduction and Management System sa bansa para maging mas mabilis kumilos, mas epektibo, mas sustainable at mas transparent. | ulat ni Leo Sarne
📷: Pinky Rose A. Fernandez / DND DCOMMS