Ipinagmalaki ni House Speaker Martin Romualdez ang pagiging mabunga ng tatlong araw na state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malaysia.
Kabuuang $285 million investment commitments ang naiuwi ng Chief Executive na inaasahang makakalikha ng nasa 100,000 trabaho para sa mga Pilipino.
Maliban pa ito sa investment pledge na pinasok ng business tycoon na si Manny Pangilinan at Malaysian railway company.
Sa isang pribadong hapunan ay lumagda ani Romualdez ang MPIC group ni Pangilinan para mamuhunan sa railway company sa Malaysia.
Kapalit nito, mag-iinvest din ang naturang kumpanya sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $3 billion.
“We were informed at a private dinner that the MPIC Group of Chairman Manny V. Pangilinan entered into a memorandum of agreement where initially the MPIC will invest into the railway company and they plan on investing into the Philippines into the railway system” saad ni Romualdez sa isang press conference sa Malaysia.
Aaralin din aniya ng naturang kumpanya ang posibilidad ng paggamit ng cable car at pagbubukas ng dagdag na mga airport sa bansa.
“They have a very, very long string of success stories here in Malaysia they’d like to replicate that in the Philippines,” dagdag ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes