Pinagtibay ng Pilipinas at New Zealand ang commitment nito na palalimin pa ang relasyon ng dalawang bansa sa 7th Foreign Ministry Consultations na ginanap sa Wellington, New Zealand.
Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Acting Assistant Secretary for Asia and Pacific Affairs Aileen Mendiola – Rau at Divisional Manager for South and Southeast Asia Division ng New Zealand Ministry of Foreign Affairs and Trade na si Mark Talbot ang nasabing pulong.
Nakatuon ang naging talakayan sa kamakailang high-level engagements; defense and security cooperation; economic collaboration, pagbibigay-diin sa investment, trade, at joint venture sa mga sektor tulad ng agrikultura, renewable energy, government innovation, at development cooperation
Natalakay rin sa nasabing pagpupulong ang mga regional security issues tulad ng mga pinakahuling pangyayari sa West Philippine Sea, Myanmar, at ang nangyayaring krisis sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Binigyang diin ng dalawang bansa ang kahalagahan ng kooperasyon, information sharing, at capacity building upang tugunan ang mga umuusbong na hamon tulad ng non-traditional security threats, maritime security, at counterterrorism efforts.
Palalalimin rin ng dalawang bansa ang relasyon nito sa pamamagitan ng cultural exchanges, educational partnerships, at people-to-people initiatives. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📸: DFA