Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maipagpapatuloy at mapagaganda pa ng pamahalaan ang agriculture at aquaculture production ng bansa.
Sa panayam sa Livestock and Aquaculture Expo 2023 sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na ang El Niño phenomenon na mararanasan sa bansa ay bahagi na ng new normal, at kailangang masanay ang Pilipinas na harapin ang mga ganitong hamon.
Ayon sa Pangulo, posible rin na mas maapektuhan ang mga pananim sa epekto ng tag-tuyot, kumpara sa livestock industry at fisheries ng bansa.
“The problem with the water I think is solvable when it comes to in terms of the livestock. Ang mahihirapan sa crops. Sa fisheries, hindi gaano, as you can imagine.” — Pangulong Marcos Jr.
Inaayos naman na aniya ng pamahalaan ang sistema dito, at patuloy na tinutugunan ang isyu sa African Swine Fever (ASF) at Avian Flu.
“I’m confident that when it comes to livestock and the broilers, the hogs, and the cattle. If we are able – if we continue to be able to fix the systems and now of course ang pinakamalaking issue ay ‘yung ASF pa rin at saka yung Avian influenza.” — Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng Pangulo, kailangan lamang tutukan pa ang pag-develop sa produksyon at sektor ng agriculture at aquaculture, i-take advantage ang mga available na bakuna at patuloy na pagandahin ang imprastruktura, upang ma-sustain ang momentum na tinatamasa na ng bansa sa kasalukuyan. | ulat ni Racquel Bayan