Pilot-testing ng food stamp program, sisimulan na sa Martes -DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na sa Martes, Hulyo 18 ang gradual pilot-testing ng food stamp program para sa isang milyong mga mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian,

magsisimula muna sila sa 50 pamilya sa Tondo, Maynila.

Ang mga piling benepisyaryo ay makakatanggap ng tap card na hindi pamalit pera kundi pamalit pagkain.

Asahan na magtuloy-tuloy ito ng palaki nang palaki hanggang maabot ang target na 3,000 pamilya sa buong bansa.

Pagkatapos ng anim na buwan na makikita ang resulta ay saka na magdadagdag ng 300,000 pamilya hanggang maabot ang isang milyong benepisyaryo ng programa.

Inanunsyo na rin ni Secretary Gatchalian na nagbigay ng grant o tulong ang Asian Development Bank at iba pang development partners para sa programa.

Sinabi ng kalihim, tatlong milyong dolyar ang natanggap na ayuda ng gobyerno mula sa mga ito at gagamitin sa anim na buwang food stamp program. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us