Plano ni Pres. Marcos na bigyan ng ‘amnesty’ ang mga rebelde, suportado ni DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA na maglalabas ito ng proklamasyon para pagkalooban ng amnesty ang mga rebel returnee.

Ayon sa kalihim, mahalagang hakbang ito para tuluyang maitaguyod ang reintegration ng mga dating rebelde.

Makatutulong rin aniya ito para sa pagsusulong ng peace and order sa bansa.

Bukod naman dito, ikinatuwa rin ng kalihim ang pagbanggit ng Pangulo sa kampanya kontra iligal na droga at BIDA Program na nagpapakita ng seryosong intensyon ng administrasyong Marcos na masawata ang problema ng iligal na droga sa bansa.

Samantala, pinapurihan din ng kalihim ang naging desisyon ni Pangulong Marcos na tuluyang alisin na ang State of Public Health Emergency sa bansa na magbibigay daan aniya sa tuloy-tuloy nang pag-usad ng progreso sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us