Isasagawa ngayong araw ang plebisito upang ratipikahan ang pag-merge at pagpapalit ng pangalan ng ilang barangay sa Bacoor, Cavite.
Ang plebisito ay isasagawa sa 22 voting centers na may 223 clustered precincts mula ngayong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Hinihikayat ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang mga rehistradong botante sa nasabing bayan na lumahok sa nasabing plebisito.
Mayroong 114,416 na mga rehistradong botante mula sa 49 na barangay sa Bacoor.
Nais ng Pamahalaang Lungsod na Bacoor na maging 18 barangay na lamang mula sa 44, habang lima naman sa mga barangay ang mapapalitan ng pangalan.
Ito ay matapos lagdaan ni Bacoor City Mayor Strike Revilla ang City Ordinance No. 275-2023 noong March 2 upang matiyak ang paglago ng ekonomiya at kaunlaran sa nasabing lungsod.
Sa ilalim ng Local Government Code, may kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na lumikha, hatiin, pagsamahin, buwagin o baguhin ang boundary sa pamamagitan ng pagpasa ng isang ordinansa. | ulat ni Gab Villegas
#RP1News