PNP-ACG, hihilingin sa PAGCOR na regular silang isama sa inspeksyon ng mga POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si PNP Anti-Cybercrime Group Director Police Brig. General Sydney Sultan Hernia na may mga iba pang dayuhang pugante na nagtatago sa iba pang POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) hub sa bansa.

Dahil dito, hihilingin ng ACG sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na regular silang isama sa pag-iinspeksyon ng ahensya sa mga POGO.

Paliwanag ni Hernia, natagpuan nilang nagtatrabaho sa mga POGO ang mga dayuhang pugante sa dalawang nakalipas na malaking operasyon ng ACG, at mistulang ito ang “trend” sa mga POGO.

Matatandaang sa huling operasyon sa Las Piñas laban sa Xinchuang Network Technology Inc., nahuli ng ACG ang apat na Chinese at tatlong Taiwanese na may mga warrant sa iba’t ibang kaso sa kani-kanilang bansa.

Samantala, sinabi pa ng hepe ng ACG, na nirekomenda nila ipa-deport ng Bureau of Immigration hindi lang ang mga puganteng nahuli sa raid sa Las Piñas kundi maging ang iba pang mga dayuhang manggagagawa na naligtas rito. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us