PNP, handang humarap sa Senado kung iimbestigahan ang POGO raid sa Las Piñas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na humarap sa Senado kung matutuloy ang balak nilang imbestigasyon sa isinagawang raid ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) sa isang POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) Hub sa Las Piñas kamakailan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, magandang pagkakataon ito para mapakinggan ang panig ng PNP, sa gitna ng mga alegasyon ng umano’y ginawang “extortion” ng mga pulis sa ni-raid na POGO.

Tiniyak ni Maranan na transparent at naayon sa batas ang lahat ng pagkilos ng mga pulis sa naturang operasyon.

Samantala, sinabi ni Maranan na makikipag-ugnayan si ACG Director Police Brig. Gen. Sydney Sultan Hernia kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla matapos sabihin ng kalihim na kulang ang koordinasyong ginawa ng ACG sa naturang raid.

Ito’y para bigyang linaw ang mga akusasyong kulang sa case build up at basta-basta na lang umano nagkasa ng operasyon ang ACG. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us