PNP, nakikipag-ugnayan na sa pamunuan ng UP kasunod ng nangyaring sexual assault sa isang estudyante nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaalam na ni Philippine National Police o PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang mga detalye hinggil sa nangyaring sexual assault sa isang mag-aaral ng University of the Philippines o UP.

Sa isang panayam, sinabi ni Acorda na kasalukuyan nang hinahawakan ng Quezon City Police District o QCPD ang imbestigasyon sa kaso.

Inatasan na rin ng PNP Chief ang QCPD na makipag-ugnayan sa pamunuan ng UP para sa mabilis na ikalulutas ng kaso gayundin ang agarang ikadarakip ng salarin.

Magugunitang nangyari ang krimen habang naglalakad umano ang biktima sa Ylanan Road na nasa loob ng UP Diliman Campus noong gabi ng Hulyo 1.

Una nang nagpahayag ng kaniyang pagkabahala si Commission on Higher Education o CHED Chairman Prospero De Vera hinggil sa nangyari.

Sa kasalukuyan, binibigyan na ng atensyong medikal ang biktima habang kasalukuyang tinutugis ang nasa likod nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us