Wala kahit isang crime incident ang naitala ng Panamao Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Sulu mula Abril hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.
Bunga ito ayon kay PCapt. Benbadz Kalab, Acting Chief of Police ng Panamao MPS, ng magandang pakikipag-ugnayan nila sa lokal na pamahalaan mula sa municipal at barangay level, AFP, ahensiya ng gobyerno, religious sector at komunidad.
Wala rin sila aniya naitalang petty crimes at iba pang paglabag na maaaring makasira ng tinatamasang katahimikan at kaayusan sa naturang bayan.
Pero inamin nito na nagkaroon ng tatlong shooting incident sa unang tatlong buwan ng taon kung saan napagkasundo na ang dalawa at kinasuhan naman ang isa pa.
Patuloy ani Kalab ang mahigpit na pagpapatupad ng security measures gaya ng checkpoint operations, mobile at foot patrol at iba pang hakbang upang mapanatili ang kayapaan sa lugar. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo