Police Regional Office 7 nagpaalala sa “No Permit, No Rally Policy” kaugnay ng SONA 2023 ngayong Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipinaalala ng Police Regional Office dito sa Central Visayas ang polisiya na kailangang kumuha ng permit ang sinumang grupong magsasagawa ng aktibidad sa kalsada, kaugnay ng nalalapit na ikalawang State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa isang statement na nailathala sa opisyal na Facebook page ng Police Regional Office 7 Sabado ng gabi, iginiit ni Police Brigadier General Anthony Aberin na prayoridad ng kapulisan ang pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mismong araw ng SONA Lunes, July 24, 2023.

Kaugnay nito, hiniling ni Aberin ang kooperasyon ng publiko kabilang ang mga cause-oriented groups na may balak magsagawa ng kilos protesta bilang bahagi ng demokrasya.

Nakatakdang magsagawa ng rally ang mga cause-oriented group dito sa Cebu Lunes upang ipahayag ang saloobin hinggil sa administrasyong Marcos, Jr. kasabay ng pagsasagawa ng SONA 2023.

Nauna nang ipinahayag ng Cebu City Police Office sa pangunguna ni City Director Police Colonel Ireneo Dalogdog na kasado na ang security plan kabilang ang checkpoint at ang pagdeploy ng kapolisan sa mga posibleng lugar na pagdarausan ng kilos protesta. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us