Polisiya ng bansa, dapat nang rebyuhin kung patuloy na babalewalain ng China ang karapatan ng Pilipinas sa WPS — lady solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Giniit ni Senadora Risa Hontiveros na kung patuloy na babalewalain ng China ang Arbitral Ruling tungkol sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, dapat nang ikonsidera ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagrebyu sa national policy ng bansa sa China.

Ito ay matapos maglabas ng pahayag ang Chinese Embassy Manila na hindi nito kinikilala ang ruling ng Arbitral Tribunal na pumapabor sa Pilipinas tungkol sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Tinawag ni Hontiveros na ‘hypocrisy’ ang panawagan ng China na huwag makialam ang buong mundo sa territorial dispute sa West Philippine Sea dahil ang China aniya mismo ang lumalabag sa soberanya, karapatan at interes ng ibang claimant countries.

Pinunto ng mambabatas na ang patuloy na pagbalewala ng China sa umiigting na consensus sa pagkapanalo ng Pilipinas sa West Philippine Sea Arbital Ruling ay mas lalo lang nag-i-isolate sa China sa international community.

Nagsalita na aniya ang buong mundo na ang nine-dash line claim ng China ay walang basehan sa kasaysayan man o sa international law. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us