Political will at maayos na economic policies, naging daan sa pagpapababa ng inflation ngayong Hunyo — Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang anunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal pa ang headline inflation rate sa buwan ng Hunyo, na naitala sa 5.4 percent.

Aniya, ang pagbagal sa pagtaas sa presyo ng bilihin at serbisyo ay bunsod na rin ng political will at maayos na economic policies ng Marcos Jr. administration.

Batay sa unang pagtaya, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inaasahang babagal muli ang inflation sa buwan ng Hunyo.

Ang naitalang 5.4% headline inflation nitong Hunyo ang pinakamababa sa loob ng 13 buwan.

“President Marcos Jr. carefully crafted spending plan in the 2023 national budget, his many investment tours during his term that inspire investor confidence, and his focused programs and actions against high prices of goods all contributed to this drop in inflation rate,” sabi pa ng House Speaker.

Sabi pa ng House leader, naisakatuparan ng pamahalaan ang mithiin ni Pangulong Marcos Jr. na mapalakas ang purchasing power ng mga Pilipino.

“Lowering the inflation rate is a necessary offshoot of boosting our people’s purchasing power. And the Marcos administration has achieved that effectively,” paglalahad ni Speaker Romualdez.

Mula sa 8.7% inflation rate noong Enero 2023 ay bumaba ito sa 8.6% noong pebrero; hanggang sa naging 7.6% nong Marso;  6.6% noong Abril at 6.1% na pagsapit ng Mayo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us