Inaasahan na ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang mas masigla at mayabong na ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund.
Ayon sa House Appropriations Committee Chair, hakbang ito sa economic transformation ng bansa matapos ang COVID-19 pandemic.
“With the establishment of the Maharlika Investment Fund, we are taking a bold step towards our country’s economic transformation. This sovereign wealth fund will enable us to make strategic investments that will drive sustainable growth and contribute to the overall development of the Philippines.” Saad ni Co.
Malaki aniya ang potensyal ng MIF para buksan ang pintuan ng progreso at pag-unlad ng bansa lalo na sa sektor ng socioeconomic development at imprastraktura na magreresulta naman sa pagpapa-angat sa buhay ng mga Pilipino.
“Returns from the projected investment could be used, in theory, to bankroll socioeconomic and infrastructure projects, ensuring the betterment of our society and uplifting the lives of our fellow Filipinos,” dagdag ng kinatawan.
Kapuri-puri din aniya ang pag-tiyak ng gobyerno sa pagiging hayag at bukas ng pangangasiwa sa MIF gayundin ang pagsiguro na hindi ito maiimpluwensyahan ng politika.
Kaya makaka-asa aniya ang pamahalaan ng suporta sa pagtiyak na maisakatuparan ng MIF ang layunin nito na mapagbuti ang ekonomiya ng bansa at ang kalagayan ng bawat mamamayan.
“This approach ensures transparency, accountability, and a focus on generating optimal returns for the benefit of our nation and its people. The creation of the Maharlika Investment Fund is a testament to our nation’s determination to build a brighter and more prosperous future for all Filipinos. I wholeheartedly support this monumental step towards economic transformation and looks forward to witnessing the positive impact it will have on our beloved nation.” sabi pa ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes