Poste ng kuryente, natumba; Hilagang bahagi ng Ilocos Norte, walang kuryente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng aabutin ng tatlo hanggang limang araw na walang kuryente ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte matapos matumba ang isang poste.

Sinabi ni Mr. Enrico Natoza Jr, namumuno sa MDRRMO ng bayan ng Pasuquin, natumba ang poste ng kuryente matapos matumba ang isang heavy equipment sa inaayus na Baldi Bridge sa Brgy. Poblacion 4 ng nasabing bayan.

Ani ni Natoz, ang nasabing poste ay nagsusuplay mula sa Brgy. Bangsirit ng bayan ng Bacarra hanggang sa bayan ng Pagudpud at Adams.

Dagdag nito na iginiit ni Gov. Matthew Marcos Manotoc ang mabilisang restoration ng natumbang poste ng kuryente.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us