Namahagi ng libreng lugaw at naghandog ng film showing ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga naistranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan partikular na sa mga lugar na apektado ng Super Typhoon #EgayPH.
Batay sa datos ng PPA, aabot sa humigit kumulang 3 libong pasahero ang naitala nilang stranded ngayon sa mga pantalan batay sa kanilang 12 noon monitoring.
Nagmula ang mga ito sa mga pantalan ng NCR North, Mindoro, Bicol, Bacolod, Siquijor, Surigao, Zamboanga del Norte, Marinduque at Quezon.
Pero batay naman sa pinakahuling datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG), pumalo na sa mahigit 11 libo ang naistranded na pasahero, truck drivers at pahinante mula sa 49 pantalan na kanilang binabantayan.
Pinakamarami sa mga naistranded ay nagmula sa Bicol Region, sinundan naman ng Eastern Visayas, Southern Luzon at NCR.| ulat ni Jaymark Dagala