Sabayang isinasagawa ngayong umaga ng Philippine Red Cross at Pentecostal Missionary Church of Christ ang bloodletting activity sa tatlumpong (30) lugar sa bansa.
Ang aktibidad ay may kaugnayan sa ika- 50 taong anibersaryo ng religious group kasabay ng paggunita ng National Blood Donors Month ngayong Hulyo sa buong bansa.
Target ng red cross na makakulekta ng 3,000 – 5,000 bags ng donasyong dugo sa buong bansa.
Sa punong tanggapan ng PRC sa Mandaluyong, may 200 hanggang 300 miyembro ng religious sector ang magdo-donate ng dugo. | ulat ni Rey Ferrer