Nakatakdang magsagawa ng relief operations ang Police Regional Office 02 (PRO2) sa mga lugar sa Lambak ng Cagayan na apektado ng Typhoon #EgayPH.
Ang mga ipapamahaging relief goods ay mula sa mga nalikom nilang grocery items at iba pang donated goods mula sa mga stakeholder at Advisory Support Groups ng Valley Cops.
Matatandaang muling inilunsad ng Pambansang Pulisya ang programang ‘PNP Help and Food Bank’ noong nakaraang Sabado, July 22, 2023 kung saan nakiisa ang iba’t ibang himpilan ng pulisya sa bansa kabilang na ang Police Regional Office 2.
Layunin nitong makapaghatid ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng anumang kalamidad, saan mang bahagi ng bansa bilang malasakit sa kapuwa. Pagpapakita rin ito ng lumalakas na ispirito ng bayanihan sa mga Pilipino
Samantala, umabot sa Php1,354,748.50 ang kabuuang halaga ng donated items mula sa mga stakeholder ng PRO2 at mga Police Provincial and City Offices nito, na ipapamahagi sa mga biktima ng typhoon #EgayPH.|ulat ni Teresa Campos| RP1 Tuguegarao