Aabot na sa 88 percent ang progress rate ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 Cavite Extension Phase 1 Project sa first half ng 2023, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Ayon kay LRMC President and CEO Juan F. Alfonso, kumpleto na ang design works sa mga itinatayong istasyon pati na rin ang procurement process, at nagpapatuloy rin ang construction works pati ang testing at commissioning.
Ang unang bahagi ng nasabing proyekto ay sumasakop sa 6.7 kilometers ng 11-kilometer extension project na may limang istasyon, na kasalukuyang nasa iba’t ibang stages of development kung saan nagpapatuloy ang civil at structural works, structural steel, architectural, mechanical, electrical, plumbing, at fire protection.
Sakop ng nasabing proyekto ang mga istasyon ng Redemptorist, MIA Station, Asia World, Ninoy Aquino Station, at Dr. Arcadio Santos Station.
Positibo ang LRMC na makukumpleto nila ang konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1 Project sa ikaapat na quarter ng 2024, na may paghahanda para sa inaasahang pagsisimula ng testing at commissioning sa last half ng 2023. | ulat ni Gab Villegas
Photo Courtesy: LRMC