Magpapakalat ng maraming sasakyan ang Quezon City government sa Lunes para sa commuters na maaapektuhan ng mga aktibidad sa Commonwealth Avenue kasabay ng SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Bukod sa QCity Bus, ide-deploy na rin ang mga service vehicle mula sa 142 barangay sa lungsod at tatlong unit pa ng bus mula sa QC General Services Department para sa libreng sakay.
Inaasahan na maraming commuters lalo na ang mga dumadaan sa Commonwealth Avenue ang mahihirapang sumakay.
Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na magde-deploy din ng 287 tauhan mula sa Emergency Medical Services, Search and Rescue team ng QC Disaster Risk Reduction and Management Department para umasiste sa pangangailangan ng publiko.
Paalala pa ng alkalde sa mga dadalo sa aktibidad na magdala ng kapote at payong dahil inaasahan na ang mga pag-ulan dulot ni bagyong #EgayPH.| ulat ni Rey Ferrer