Quezon City, itinaas na sa ‘Yellow Alert’ dahil sa bagyong #EgayPH – QCDRRMO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas na sa “Yellow Alert” status ang Quezon City dahil kay bagyong #EgayPH.

Ibig sabihin, may mga paghahanda nang ginagawa ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) matapos itaas ang tropical cyclone wind signal #1 ang Metro Manila.

Ayon kay QCDRRMO Spokesperson Pechie de Leon, may koordinasyon na sila sa lahat ng barangay sa lungsod para sa anumang kaganapan dulot ng bagyo.

Kasama ding nakaalerto ang Social Service Development Department para sa provision ng relief goods para sa maapektuhang barangay.

Sa ngayon, 24 oras silang nakatutok sa galaw ng bagyong Egay sa pamamagitan ng 50 Weather Stations na nakakalat sa lungsod Quezon.

Hanggang ngayong gabi, asahan na ang maulap na papawirin na may katamtamang tyansa ng mahinang pag -ulan.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us