Simula ngayong araw, isasara ang kalahating lane ng southbound portions ng A.H. Lacson Avenue mula sa Dapitan hanggang sa Piy Margal (inner lane) sa Maynila.
Sa abiso ng Department of Public Works and Highways – North Manila District Engineering Office,
ipagpapatuloy nito ang road concreting and reblocking works sa lugar na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan, Hulyo 30.
Ayon sa DPWH, ang rehabilitasyon ng kalsada ay magsisimula sa inner southbound lane, na may habang 132.80 linear meters at lapad na 4.10 linear meters.
Dahil dito,pinapayuhan ang mga motorista sa pagbagal ng trapiko sa mga apektadong lugar at gumamit ng mga posibleng alternatibong ruta. | ulat ni Rey Ferrer