Isinusulong ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co ang paggamit sa renewable energy para mabawasan ang epekto ng El Niño lalo na sa sektor ng agrikultura.
Aniya, ngayong inanunsyo na ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño na maaari pang tumindi sa unang quarter ng susunod na taon, ay kailangan ng mga proactive na hakbang para mabawasan ang epekto nito.
Isa sa itinutulak nito ang paggamit ng solar powered water supply system lalo na para sa mga malalayong lugar.
Subok na aniya nila sa Bicol ang solar powered water supply system sa pagbibigay ng malinis na tubig lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng stable na supply.
“The proposed solar-powered irrigation facility, coupled with an advanced fertigation system, holds great promise in ensuring an uninterrupted and environmentally friendly water supply for our farmers,” ani Co
Naniniwala ang kinatawan na maliban sa tamang paggamit at pamamahala sa water resources ay kailangan din sumubok ng mga makabagong teknolohiya para matiyak ang kahandaan sa pagtugon ng bansa sa epekto ng El Niño. | ulat ni Kathleen Jean Forbes