Rep. Salceda, nais tulungan si Tourism Sec. Frasco; pagbibitiw sa pwesto, di kailangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi hangad ni Albay Representative Joey Salceda na bumaba sa pwesto si Tourism Secretary Christina Frasco bagkus ay nais pang tulungan ng kinatawan ang kalihim.

Sa isang panayam sinabi ni Salceda na mas mabuti na ang mga susunod na hakbang na lang ang tutukan kasunod na rin ng isyu sa tourism video campaign na inilabas ng Department of Tourism (DOT).

Matatandaan na una nang pinuna ni Salceda ang hindi pagkakasama ng Mayon Volcano sa ad campaign ng DOT para i-promote ang turismo sa Pilipinas.

Nasundan naman ito ng pag-amin ng kinontratang ad agency ng DOT na gumamit sila ng stock video ng ibang mga bansa para sa naturang video campaign.

Ayon kay Salceda, bilang isang mambabatas at kinatawan, mandato niya na pumuna kung kinakailangan.

Nagkausap na rin aniya sila ni Frasco at sa pagbabalik sesyon ay posibleng talakayin aniya ito ng Kamara.

“I will criticize openly, as needed. That’s my job as a legislator and a representative of my people. But after heated discussions, we must remain focus on solving problems… So, no, I will not join calls for her to resign. Certainly not when a lot of it is premised on speculation. I focused on facts in my criticisms. I want to focus on facts on the solutions,” saad ni Salceda.

Kasabay nito ay hinimok niya ang mga stakeholder sa sektor ng turismo na tulungan si Sec. Frasco at ang Tourism Department.

Handa rin aniya sila sa Albay na magbahagi ng kanilang karanasan sa pagpapalago ng bilang ng turista.

“I am asking everyone to help her. I would like to summon the collective intellect, energy, and innovativeness of the brightest minds in advertising and promotions to help the DOT. Albay will help her. I offer to her my personal experience as former Governor of Albay, when we grew foreign tourist arrivals by 4,700 percent, and became the country’s rising tourism star,” dagdag ng kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us