Welcome sa Department of Finance (DOF) ang resulta ng pinakahuling labor force survey kung saan muling naitala ang record – low unemployment rate sa 4.3% para sa buwan ng Mayo mula sa 6.0% noong April 2023.
Isa itong patunay sa hangarin ng administrasyong Marcos Jr na makamit ang high -quality labor market sa bansa.
Kaakibat kasi ng paglago ng ekonomiya ang pagbuti ng de kalidad na trabaho.
Base sa inilabas na May labor force survey ng Philippine Statistics Authority.. tumaas ng 95.7% ang employment rate, mas mataas 94.0% noong buwan ng Abril.
Ibig sabihin nasa 48.26 million ang mga Pilipino na may trabaho sa buwan ng Mayo kumpara sa 46.08 million noong parehas na buwan.
Ito na ang pangalawa sa pinakamababang unemployment rate since April 2005. | ulat ni Melany Reyes