Resulta ng plebisito sa Bacoor, Cavite, inaasahang mailalabas bukas ng umaga ayon sa Commission on Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ng umaga inaasahang mailalabas ang resulta ng canvassing ng plebisito sa Bacoor, Cavite ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inaasahang lalabas ang resulta ng canvassing sa pagitan ng alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng umaga.

Sinabi ng opisyal na magsisimula ang pagbilang ng mga boto sa mga presinto sa oras na magsara ang mga polling precincts at inaasahang matatapos ito mamayang gabi.

Habang ang pag-convene naman ng Plebiscite City Board of Canvassers ay magsisimula mamayang alas-6:00 ng gabi.

Inaasahang boboto ang nasa 114,416 na mga rehistradong botante mula sa 49 na mga barangay sa Bacoor, Cavite upang ratipikahan ang pagsasanib ang 44 barangay at gawing 18 barangay na lamang habang mayroong limang barangay naman ang mapapalitan ng mga pangalan.

Mamayang namang alas-3:00 ng hapon magsasara ang mga presinto. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us