Revenue collection ng Bureau of Customs mula Enero hanggang Hulyo, tumaas ng mahigit 7%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ngayon ng Bureau of Customs (BOC) na tumaas ang kanilang revenue collection sa unang pitong buwan ng taong kasalukuyan.

Batay sa datos ng BOC, nakapagtala sila ng 7.4% na pagtaas sa kanilang revenue collection o katumbas ng may P476 bilyon

Ito ay bunga ng pinaigting nilang kampanya kontra smuggling, na naglalayong malikom ang nararapat na pondo na siya namang ihahatid sa taumbayan.

Magugunitang kahapon, ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang accomplishment na ito ng BOC sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Maliban sa BOC, nakapagtala rin ng mataas na revenue collections ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na pumalo ng mahigit P1 trilyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us