Ilalabas na ng Department of Education (DepEd) ang revised curriculum ng K-10 program sa mga susunod na linggo, para sa School Year 2024- 2025.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DepEd Usec Michael Poa, na noong Mayo, una na nilang binuksan sa eksperto, miyembro ng academe, at sa publiko ang reviewed curriculum.
Ikinonsidera aniya nila ang mga natanggap na komento, sa isinagawa nilang pagsasapinal sa revised version nito, bago ang paglulunsad nito sa mga susunod na linggo.
Ayon sa opisyal, ang tinututukan na nila sa kasalukuyan ay ang senior high curriculum, upang masiguro na alinsunod ito sa pangangailangan ng industriya.
Ito ayon sa opisyal ay dahil employability naman talaga ang pangako ng K-12 program sa mga graduates nito.
“Ang promise ng K to 12 is that magiging employable iyong mga learners pero we have to admit hindi iyan nangyayari sa ngayon. We are looking at ways to align that into industry demands to boost employability, attractive of our learners to be employed.” —Usec Poa. | ulat ni Racquel Bayan