Rizal Provincial Government, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng landslide sa Antipolo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng tulong ang Rizal Provincial Government sa mga biktima ng landslide sa Vista Grande, Barangay Sta. Cruz, Antipolo City.

Pinangunahan ng mga opisyal ng Rizal Provincial Government at barangay ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong residente ngayong hapon.

Kabilang sa ipinamigay ang food packs, hygiene kits, tig-P3,000 financial assistance, at P5,000 burial assistance sa pamilya ng nasawing residente.

Matatandaang nilamon ng lupa ang 19 na mga bahay kagabi sa Vista Grande, Barangay Sta. Cruz.

Nasa 22 pamilya o 78 indibidwal ang apektado na kasalukuyang tumutuloy sa mga modular tent sa evacuation center ng nasabing barangay.

Itinuturing ng mga residente na dahilan ng insidente ang itinatayong retaining wall ng cold storage facility.

Patuloy naman inaalam ng City Engineering Office ang dahilan nangyaring pagguho ng pader.

Tiniyak naman ng Rizal Provincial Government ang tulong hanggang sa makabagon sa sakuna ang mga apektadong pamilya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us