Regular ng isasagawa ng Land Transportation Office (LTO) ang road worthiness inspection sa mga public utility vehicles (PUV).
Ito ang ipinangako ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza II,upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Sinimulan na kahapon ni Mendoza ang inspection sa Araneta Center bus terminal sa Cubao, Quezon City .
Asahan din daw na sasabayan ang mga pag-inspeksyon ng surprised random drug testing sa mga PUV drivers.
Aniya,hindi lamang sa Metro Manila gagawin ito kung hindi maging sa iba pang lalawigan sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer