SMC, nagbigay ng paumanhin sa pagbaha sa SLEX at Skyway kahapon dulot ng maghapong pag-ulan sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi ng paumanhin ang San Miguel Corporation (SMC) na humahawak sa toll road ng Skyway at South Luzon Expressway (SLEX), sa nangyaring matinding bigat ng trapiko kahapon dahil sa pagbaha sa kanilang tollway dulot ng maghapong pag-ulan.

Sa inilibas na statement ng San Miguel Infrastructure, nagmula ang naturang pagbaha sa kanilang mga toll road sa isinasagawang konstruksyon ng isang mall sa Bicutan na dahilan ng pagkakaroon ng pagbara sa drainage system ng kanilang tollways.

Ayon pa sa SMC, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa naturang insidente.

Humingi naman ng taos-pusong paumanhin ang pamunuan ng SMC sa mga motoristang naapektuhan ng nangyanring pagbaha sa SLEX at Skyway, at nangakong pag-iibayuhin ang kanilang serbsiyo sa kanilang tollways. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us