Sanhi ng pagkamatay ng natagpuang kalansay ng isang PDL sa loob ng septic tank sa NBP, pinasisiyasat ng DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaalam na ng Department of Justice (DOJ) kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) na matagal nang napaulat na nawawala sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kakailanganin ng isang Forensic Anthropoligist para makatulong sa ginagawang imbestigasyon sa kaso.

Sinabi ng kalhim na nabubulok na ang labi ng PDL na si Michael Angelo Cataroja nang matagpuan ito sa loob ng septic tank na nasa NBP Compound.

Magugunitang July 15 nang mapaulat na nawawala si Cataroja na nakakulong sa Maximum Security Compound dahil sa mga kasong Carnapping at paglabag sa Anti-Fencing Law kaya’t ipinag-utos noon ni Remulla ang malawakang paghahanap dito.

Kasunod nito, inatasan din ni Remulla si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang na magsumite sa kaniya ng isang komprehensibong ulat hinggil dito gayundin sa pagkakasugat ng may siyam na iba pang inmate sa loob ng NBP.

Bagaman, itinuturing ni Remulla na sketchy pa rin ang usapin pero asahan na aniyang magkakaroon ng matinding pagbubunyag sa mga susunod na araw hinggil sa mga nangyayaring patayan sa loob ng NBP bago pa man maupo si Catapang. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us