SCTEX Pasig Potrero Bridge, mananatiling sarado ngayong tag-ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mula sa abiso ng NLEX Corporation, nananatiling sarado ang SCTEX Pasig Potrero Bridge bilang pag-iingat sa mga motorista na dumadaan dito ngayong tag-ulan.

Matinding binabantayan naman ng management ng NLEX ang nasabing tulay, para sa maaaring mangyari ngayong nakararanas pa rin ng malakas na pag-ulan ang lugar.

Mga apektadong ruta:

  1. Subic hanggang Porac papunta sa Tarlac/Manila
  2. Tarlac/Manila hanggang Clark South papunta sa Subic

Inaabisuhan ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Humihingi naman ng pang-unawa sa mga motorista ang pamunuan ng NLEX. | ulat ni Mary Rose Rocero

📷 NLEX Corporation

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us