Puspusan ang ginagawang paghahanda ng Philippine Coast Guard (PCG) District North Eastern Luzon.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga residente ng Cagayan, Isabela, Ifugao, Aurora at Batanes dahil sa posibleng epekto ng Super Typhoon Egay.
Ayon sa PCG, maliban sa deployable response group, nakaantabay na rin ang mga search and rescue vehicle at equipment ng mga pamilyang mata-trap sa kanilang tahanan sa oras na tumaas ang tubig-baha.
Partikular kasing binabantayan ang Magat Dam sa Isabela, dahil sa posibleng pag-apaw nito dulot ng mga pag-ulang dala ng bagyo na mapapaigting pa sa hanging habagat
Sa kabuuan, 24 oras nagbabantay ang PCG hinggil sa pinakahuling lagay ng panahon upang maiwasan ang anumang aksidente sa karagatan. | ulat ni Jaymark Dagala